Answers

2016-06-15T18:01:10+08:00
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko saPilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika,relihiyon o sa isang magkatulad nakasaysayan. Binubuo ng malaking mayorya ngpopulasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at nagingKristiyano mula sa pagiging Animismo,Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlong daang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog,mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/olahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang pang-aghamang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang mgaNegrito sa Pilipinas.
0