Answers

2016-06-14T11:03:12+08:00
Ang kahulugan ng  limang tema ng heograpiya ay Narito ang Limang Tema ng Heograpiya

1. Lokasyon - tinutukoy nito ang kinaroroonan ng mga tiyak na lugar sa ating daigdig. Karaniwang pinag-aaralan nito ang mga longitud at latitud, mga territoryo at ang layo ng bawat lugar sa isa't isa.

May dalwaang paraan upang matukoy ang lokasyon:

a. Absolute - ginagamit nito ang mga imaginary na guhit latitud at longhitud na bumubo sa isang grid na karaniwang nakikita sa mga globo at mapa.

b. Relatibo - ito ay tumutukoy sa lokasyon batay sa mga nasa paligid nito.

2. Lugar - ito ang mga katangian na sa isang specific na pook lamang matatagpuan.  Mayroon ding dalawang paraan ng pagtukoy salugar:

a. Katangian ng Kinaroroonan - saklaw nito ang mga anyong lupa, nayong tubig, at mga likas na yamnan

b. Katangian ng mga taong naninirahan - sakop nito ang mga tema tulad ng wika, kultura, relihiyon, density, at mga sistemang politikal.


3. Rehiyon - ay ang klaster ng mga lugar sa daigdig na may magkakatulad na katangian.


4. Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran - ito ay ang ugnayan sa pagitan ng tao sa mga pisikal na katangian mayroon ang kanyang pook na tinitirahan. 

5. Paggalaw - tumutukoy sa paglipat ng mga tao mula sa lugar na kinalakihan at kinagisnan patungo sa ibang lugar. Sakop din nito ang mga ibang paggalaw tulad ng hangin, at ulan.
1 5 1