Answers

  • Brainly User
2016-06-14T09:10:03+08:00
Ano ang panitikan gumagana noong panahon ng mga katutubo at paano nakakatulong ang panitikan noong panahon ng mga katutubo sa kanilang pamumuhay?
(re-phrased, see comments for inquirer above):

Ang panitikan noong panahon ng mga katutubo ay pasalin-dila (oral literature).  Ito ay isinasalaysay nang pauli-ulit ng mga nakatatanda sa mga kabataang katutubo upang hindi makalimutan.  Nang lumaon ay natutunan na nilang isulat ito sa mga dahon, kahoy, at makikinis na bato.

Ilan sa akdang pampanitikan na lumaganap noong panahon ng katutubo ay ang karunungang-bayan, epiko at alamat.

Ang panitikan noong panahon ng katutubo ay nakakatulong upang mapagtibay ang kanilang pananampalataya, magbigay ng kasayahan lalo na't kung sila ay may pagtitipon ay sila ay nagpapalaitan ng mga salawikain at kasabihan (karunungang-bayan).  

Masasalamin rin ng kanilang panitikan ang pagkakaisa at mithiin upang magapi ang kanilang kalaban sa pamamagitan ng pagbibigay inspirasyon sa mga mandirigma (makikita ito sa mga epiko at alamat).

0