Answers

2016-06-20T14:10:40+08:00

Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling kwentong bayan.

Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.

Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook, tribu, bayan o mga bansa.

0