Answers

2016-06-29T17:47:23+08:00
1) TAHAS
- pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang padamdam (panlasa, pakiramdam, pang-amoy, pandinig, paningin) at may katangiang pisikal. 
Halimbawa: buko, pagkain, pabango 

2) BASAL
- pangngalang tumutukoy sa isang kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. 
Halimbawa: kasiyahan, galit, pagmamahal 

3) LANSAKAN
- pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan 
Halimbawa: tribo, angkan, kapuluan
0