Answers

2016-06-16T16:07:13+08:00
May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:
1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian. 

Hal. Pareho silang maganda.
       Magkasing puti ang blouse na iyon.

 2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:

a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit.

Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon.
       Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng  bago nating titser.

b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak. 

Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Mae noong nakita niya ang tatay niya.
      Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Christell kay Steeve.
0