Answers

2016-06-18T07:46:07+08:00
Ang ekonomiya ay ukol sa pagaaral ng pagkonsumo at produksyon ganun na rin ang pangangailangan ng mga tao at ang pinagmumulang yaman ng ating pangangailangan. Kailangang pagaralan ang ekonomiya sa kadahilanang sa dami ng populasyon sa ating bansa, halata naman at hindi maiiwasang isipin na balang araw ay hindi na magiging sapat at magkukulang na ang suplay ng ating pangangailangan na nakukuha natin sa ating kalikasan dahil na rin sa walang katapusang hilig at luhong hindi naman masyadong mahalaga. 

Iba't ibang kasagutan:

Kung maganda ang ekonomiya ng bansa ay maganda rin ang estado nito o lagay ng pananalapi o maraming investors at mga negosyo ang asensado.

1. Paggawa ng matalinong desisyon. 
2. Paglinang ng kaisipan sa mga nagaganap sa ating paligid. 
3. Pagnanais ng tao na mabuhay. 

Ang kahalagahan ng ekonomiks ay napag-aaralan nito ang mga bagay bagy tungkol sa ating bansa katulad ng populasyon at ang mga walang katapusang pangangailangan ng tao. Hindi natin kailangan ng mga maluhong bagay para mabuhay sa mundo. 

1) Nauunawaan ang pamamaraan kung papaano magamit ang limitadong pinagkukunang yaman. 
2) Makakatulong sa pagsuri sa mga paraan na matugunan ang suliranin ng kakapusan.
3)Naiintindihan kung paano nakakaapekto sa bansa ang kilos ng ekonomiya. 
4) Malalaman ang mga suliraning umiiral sa buong daigdig na may kinalaman sa lipunan at kabuhayan na mga tao.5)Nakakatulong sa pag-unlad ng isang bansa. 
6)Mauunawaan ang mga sanhi ng mabagal na pag-unlad ng bansa at kung bakit may mga bansang mabilis ang pag-unlad.
0