Answers

2016-06-19T16:23:24+08:00
Sabado 1, paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Maraming maraming laruan ang gusto niyang matanggap isa na rito ang beyblade. Sabado 2, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Sabado 3, unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagama't ayaw niya itong bitawan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya'y bulsa. Sabado 4, di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa pagsasalita. Sabado 5, Eksaktong katapusan ng Huling Sabado ng Pebrero ay pumanaw na si Rebo. Sabado 6, huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
1 5 1