Answers

2016-06-17T20:17:16+08:00
Napakarami at iba't iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean. Ito ay dahil sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at prinsipyo ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag ang pagiging pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat ng bagay.  Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform. Ilan sa mga tanyag na kaugalian ng mga taga Mediterranean ay ang pagiging malikhain at mahusay nito sa paggawa ng iba't ibang bagay. Nakaugalian na nilang makiusyoso sa mga bagay-bagay para makagawa ng bago mula sa luma. Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform. Ang pamumuhay ng mga taga-Mediterranean ay pangunahing nakasalalay sa agrikultura dahil sa kanilang lokasyon. Ang Mediterranean ay matatagpuan malapit sa sentro ng kabihasnan kung saan pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay. Sa lugar na ito mararanasan ang sapat na pantustos na tubig para sa mga pananim. 
0