Answers

2016-06-17T21:04:41+08:00
Ang karunungang bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan ng Pilipinas na tumutukoy sa mga aral na nagmula sa pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno na nagsisilbing batayan at gabay hanggang ngayon. Ang mga sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng karunungang-bayan. Isang tanyag na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa harap, sa likod ay paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y sitsaron".  samantalang ang mga halimbawa ng sawikain ay " alilang kanin, balitang kutsero, at buwaya sa katihan. Ang mga halimbawa naman ng kasabihan ay "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan".
0