Answers

2016-06-18T14:16:04+08:00

Ang Brasil[1] (Ingles: Brazil), opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges:República Federativa do Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amazon nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang megadiverse o may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

0