Answers

2016-06-20T18:03:56+08:00

Ang demograpiya ng Pilipinas ay ang pagtatala ng katauhang populasyon sa bansa; kabilang na dito ang pagtatala ng kasinsinan ng populasyon, pagkaiba-iba ng mga katutubong tao, antas ng edukasyon, kalusugan, estado ng ekonomiya, mga sinasambang relihiyon, at iba't ibang mga aspekto ng populasyon sa bansa. Ang Pilipinas ay may kabuuang antas ng paglobo ng populasyon na 2.04%, isa sa pinakamataas sa Asya. Base sa nakatala sa senso noong 2007 na isinagawa ngPambansang Tanggapan ng Estadistika, may kabuuang populasyon na 88,574,614 katao sa bansa; base sa mga pagtatantya noong 2011, may kabuuang 95,800,000 katao ang bansa.

Ayon sa senso ng 2000, ang populasyon ng Pilipinas ay 50,504,077 at binubuo ng iba't ibang mga pangkat etniko.


0