Answers

2016-06-19T13:56:47+08:00
Pabula - kwento ng kabutihan na ginagamit na tauhan ay hayop
parabula - kwento nag kabutihan na ginagamit na tauhan ay tao
0
2016-06-19T13:57:20+08:00
Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. 

Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
0