Answers

2016-06-19T14:38:34+08:00
Ang heograpiya ay pag-aaral, pagsusuri ng pisikal na katangian ng daigdig. Maari itong ibilang sa natural na agham at agham panlipunan. Sa pag-aaral nito, nauunawaan natin ang uri ng daigdig na ating ginagalawan, kung ano ang klima nito, kung paano natin iaakma ang ating sarili o paano tayo makikibagay. 
Ang mga salik ng Heograpiya tulad ng klima, panahon, lugar, kinaroroonan at pinagkukunan ng yaman, ay isinasaalang alang sa pag-aaral ng Kasaysayan. Ang pag-aaral ng lokasyon, tiyak na kinaroroonan batay sa digri ng latitud at longhitud ay bahagi ng Heograpiya.
0