Answers

2014-07-13T19:43:39+08:00
Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig-ang Africa, Asya at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan.
4 3 4