Answers

2016-06-20T14:09:09+08:00

      

ANG KWENTONG BAYAN

Kahulugan ng Kwentong Bayan
-> ito ay isang anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Apat na Katangian ng Kwentong Bayan
1. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.
Pasalindila -> sa paraan ng pagsasalita o pagkukwento

2. Ito ay nasa anyong tuluyan (dire-diretso o hindi patula) at naglalaman ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula.

3. Ito ay naglalahad ng mahihiwagang bagay o pangyayari katulad ng isang ibong nangingitlog ng ginto, diwata, Diyos o Diyosa, anito, kapre at iba pang elemento, sirena, syokoy, atbp.

4. Ito, higit sa lahat, ay naglalaman ng gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nangyayari sa paligid.

Apat na Uri ng Kwentong Bayan
1. Alamat -> isang uri ng kwentong bayan na tumatalakay kung saan nagmula o ano ang pinanggalingan ng isang bagay o hayop.

2. Mito -> ito ay tungkol sa mga Diyos at Diyosa.

3. Pabula -> ito ay pumapaksa sa mga nagsasalitang hayop na inihahambing sa mga tao dahil sa mga pag-uugali at katangian na taglay ng bawat isa.

4. Parabula -> isang uri ng kwentong bayan na ang mga pangyayari ay buhat sa mga aral o mga kaganapan na matatagpuan sa Bibliya.

Maraming kwentong bayan ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Ilan sa mga ito ay nagmula pa sa panahon ng ating mga ninunong Ita. Karamihan naman sa mga ito ay halos magkakapareho na lang, nagkakaiba lamang sa tagpuan, tauhan, at sa ilang kaganapan; ang dahilan nito ay may kinalaman sa pagsalin-salin nito sa iba't ibang henerasyon. Dahil sa pagkukwento, minsan ay nababawasan ang ikinukwento, minsan naman ay dinaragdagan hanggang sa magkaroon ng iba't ibang bersyon ng mga kwento.

2 5 2