Answers

2016-06-20T15:53:42+08:00
Si Athena ay isang parthenos, sa wikang Griyego, o birhen. Hindi siya isinilang mula sa sinapupunan ng isang babae. Sa halip, nagmula siya sa ulo ng kanyang amang si Zeus. Noong ipinanganak, balot na ang kanyang buong katawan ng mga baluting pandigma. Mayroon siyang abuhing mga mata, at may marangal na pagtindig at pagkilos. Mataas niyang hinahawakan ang kanyang sibat. Kasama sa kanyang mga baluti ang aegis, isang kalasag na pangdibdib. Mayroon siyang pantawag na pangdigmaan o sigaw na panglabanan na nakakapagdala ng takot sa mga kalalakihan at iba pang mga tao. Ngunit bagaman kalimitang kasangkot sa mga digmaan, hindi niya nais ang labanan dahil lamang sa kasiyahan o kasiglahang nakukuha mula rito. Isa siya sa itinuturing na pinakamarunong at pinakamakapangyarihang mga diyosa.


ikaw na ang bahalang magbasa para malaman ng buo..
0