Answers

2016-06-20T19:25:23+08:00
1.Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita, ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.
2.Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.
3.Ang pabula (Ingles fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
4.Salaysay
(Idinirekta mula sa Kwento)
Huwag itong ikalito sa salaysalay, salalay, salay, at sanaysay.
Ang salaysay ay isang paglalahad ng pagkakasunod ng mga pangyayari na maaaring gawa-gawa lamang o di kaya ay nakabase sa totoong buhay.
5.Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
0