Answers

2016-06-21T22:26:45+08:00
1. Nang ako'y magpunta ng Maynila
ang ulan do'n ay hindi tumitila
umulan ng parang bukas'y wala
dahil dadaanan ko'y baha na.

2. Gusto ko ng kaibigan kung siya'y maunawain,
Sa aking pagkukulang sa salita't gawain
,Ayoko ng kaibigan na tila balimbing,
Dalawa ang mukha; mapanira't taksil

3. Ako ay nakahuli ng pipit
hapo't sugatan, bata't maliit
kaya at aking inialagaan
hanggang sa ako'y kanyang iwanan

4. Ibig ko ng perang gagastahin,
Sa mga kailangang dapat na unahin,
Ayoko ng pera kung ako'y hihilahin,
Sa gawaing lisya't pagsisinungaling..

5. Ako ay si Pilyo
Ang baon ko ay repolyo
Ang sakit ko ay polyo

6. Ako'y bumili ng saranggola
dun sa mama noong pista
agad kong nilabas at pinalipad na
hanggang sa ito'y napulupot sa sanga

7. Ako ay si Betis
Ang baon ko ay atis
Ang bahay ko ay Sta. Praxedas

8. Ako'y naglalakad papuntang Kalumpit,
Ako'y nakarinig ng huni ng pipit,
Ang wika sa akin, ako raw ay umawit,
Ang aawitin ko'y buhay na matahimik.

9. Nahuli kong tutubi doon sa hardin,
Ang buntot ay may tali,
pinakawalan ko mandin.

10 Sa gabi kung walang kuryente,
Ang alitaptap ay kay liwanag at kay yumi.
0