Answers

2016-06-20T20:13:42+08:00

Sino ang kaunaunahang pilipino na nakapunta sa tuktok ng mt everest?


Answer:Tagalog: 
Si Dale Abenojar ang kaunaunahang nakatungtong o nakaabot sa Mt. Everest noong May 15 bandang alas 10:45 ng Umaga (Nepal Time). 


Nagbigay ng certificate ang The Mountaineering Association of Tibet na si Abenojar ang kauna-unahang Filipino na nakarating sa Mt. Everest summit na may taas na 8,844.43 metro o 29,7000 feet noong Mayo 15 o dalawang araw bago marating ni Heracleo "Leo" Oracion ng 1st Philippine Mt. Everest Expedition (FPMEE) team ang summit noong May 17.
Ang certificate at mga larawan ni Abenojar na ito, ang unang Pinoy na nakarating sa summit ay ipinadala ng supporter nito na si Robin Mendoza sa pamamagitan ng e-mail sa Philippine Star at Pilipino Star Ngayon. Nais ni Mendoza na maituwid lamang ang record kaya personal itong nagpunta sa Kathmandu, Nepal upang tulungan si Abenojar.
Ayon naman kay Lisa Abenojar, maybahay ni Dale, natutuwa siya na malilinawan na kung sino ang unang Pinoy na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest dahil noong May 15 ay agad siyang tinawagan ng mister upang ipagbigay-alam na narating na nito ang summit. 



Thank you....              





0