Answers

2016-06-20T22:19:45+08:00
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita.
1 5 1
Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibhan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika. Ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na "baha" at "bahay" ay bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang "bahay". Kung gayon, ang ponema[1] ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
salamat