Answers

2016-06-27T00:04:40+08:00
Ang Canada ay isang bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ng Rusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon. Ang Canada ay naging tirahan ng mga Aborihinal bago dumating ang mga Briton at Pranses noong ika-15 siglo. Pagkatapos ng Digmaan ng Pitong Taon ang Prasya ang isinuko halos lahat ng mga kolonya nila sa Hilagang Amerika.

Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Ingles at Pranses. Sa teritoryo ng Nunavut, naging opisyal din ang Inuit (Inuktitut at Inuinnaqtun), bukod sa Ingles at Pranses. Mahigit nang 630 ang bilang ng mga opisyal na gobyerno o banda ng mga Aborihinal na di Inuit o di M├ętis (Mestiso nila).
0