Answers

2016-06-21T17:18:35+08:00
Ang Malaysia /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia. Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at sa Pilipinas. Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.
0