Answers

2016-06-21T18:55:19+08:00

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Isa na dito si Psyche, ang pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan. Dahil dito, napapabayaan at nakakalimutan nilang mag-alay kay Venus, ang diyosa ng kagandahan. Sinabi rin nilang kahit si Venus ay hindi mapapantayan ang ganda ni Psyche. Dahil sa inggit at galit, inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Sinunod naman ni Cupid ang utos ni Venus. Ngunit, nang masilayan nito ang kagandahan ni Psyche ay umibig siya rito na parang napana niya ang kaniyang sariling puso. Nang maka-uwi si Cupid ay nilihim niya ang nangyari sa kaniyang ina. Nagtitiwala naman si Venus sa kanyang anak kaya hindi na niya tinanong pa. Ngunit hindi naganap ang kagustuhan ni Venus dahil walang nangyari. Sa kabilang dako naman, nag-aalala ang mga magulang ni Psyche dahil wala pa rin siyang asawa, kaya pinuntahan ng haring ama ni Psyche si Apollo para humingi ng tulong. Sinabi naman ni Apollo na dalhin nila ang kanilang anak sa tuktok ng bundok at bihisan ng pamburol. Matapang naman na hinarap ni Psyche ang kanyang kapalaran. Pagdating niya sa bundok, may nakita siyang mansiyon na parang ginawa para sa mga diyos. Dito niya nakilala ang kaniyang asawa, na hindi niya nakikita. Isang araw, pinuntahan siya ng kaniyang mga kapatid. Dahil sa awa, tinulungan niya ang mga ito kahit binalaan siya ng kaniyang asawa na huwag silang tutulungan. Naingit naman ang mga kapatid ni Psyche dahil sa kayamanan nito kaya sinabi nilang halimaw ang kaniyang asawa. Natakot naman si Psyche. Binilin siya ng kanyang mga kapatid na sindihan ang lampara at punyal para itarak sa dibdib ng kanyang asawa. Isang gabi, ng natutulog na ang kanyang asawa ay ginawa na ni Psyche ang bilin ng kaniyang mga kapatid. Nang makita nito ang mukha ng kanyang asawa, agad siyang namangha dahil sa kagwapuhan nito at labis naman siyang natuwa dahil hindi halimaw ang kaniyang asawa. Ngunit, natuluan ng langis ang balikat ng kaniyang asawa kaya nagising ito. Dito niya napagtanto na walang tiwala sa kaniya si Psyche at umalis palayo. Nang malaman ni Psyche na si Cupid ang kaniyang asawa, nagpasya siyang hanapin ito. Hinanap niya ito kung saan-saan ngunit wala ito kaya pumunta siya kay Venus dahil maaaring nandoon si Cupid. Ngunit, dahil sa galit si Venus sa kaniya, binigyan niya ito ng mga pagsubok. Sa panghuling pagsubok, inutusan ni Venus si Psyche na kumuha ng kagandahan kay Proserpine, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Nang makuha niya ito, nasubok ang karupukan ni Psyche. Binuksan niya ang kahon kung saan niya nilagay ang kagandahan na hiningi kay Proserpine. Nahimatay siya ng buksan niya ito. Sa mga panahon na ito, magaling na si Cupid at sabik na siyang makita ang kaniyang asawa. Pero, ikinulong siya ng kaniyang ina. Nakatakas naman si Cupid sa bukas na bintana. Nakita niya si Psyche malapit sa palasyo. Tinusok niya ang kaniyang busog upang siya’y magising. Pinagalitan niya naman agad ito dahil sa ginawa niya. Inutusan na niya itong ibigay kay Venus ang kahon. Pinuntahan naman ni Cupid si Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at hiniling na huwag na gambalain ng kaniyang ina ang kanilang pag-iibigan ni Psyche. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos kasama si Venus. Sinabi nitong pormal ng ikinasal si Cupid at Psyche at wala na dapat gumambala sa kanila. Idinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos at iniabot ang ambrosia, ang pagkain ng mga diyos para maging immortal. Naging panatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche dahil diyosa na ito.

0