Answers

2016-06-21T18:52:44+08:00
Ang huna-huna o hipotesis (mula sa Ingles na hypothesis kung isahan na nagiging hypotheses kung maramihan, na nagbuhat naman sa Griyegong ὑπόθεσις) ay isang palagayhaka na pinaghahanguan ng katwiran o paliwanag para isang kababalaghan o penomeno.[1] Ang kataga ay hinango magmula sa wikang Griyegong ὑποτιθέναι – hypotithenai na nangangahulugang "ilagay sa ilalim" o "ipagpalagay".[2] Upang maisulong ang isang hipotesis bilang isang hipotesis na makaagham, ang pamamaraang pang-agham ay nangangailangan na ang isang hipotesis ay masusubukan o maipapailalim sa isang pagsusulit. Pangkalahatang ibinabatay ng mga siyentipiko ang pang-agham na hipotesis sa nakaraang mga obserbasyon na hindi maipalawanag na nakakapagpaniwala o hindi makapagpakumbinsi sa pamamagitan ng mga teoriyang pang-agham. Kahit na ang mga salitang hipotesis at teoriya ay kadalasang magkasingkahulugan, ang isang hipotesis na pang-aham ay hindi katulad ng teoriyang pang-agham. Ang isang panggawaing hipotesis ay isang pansamantalang tinatanggap na hipotesis na iminungkahi para sa karagdagan pang pananaliksik.[2]

0
pwede po patagalog? hahaha,sorry po