Answers

2016-06-21T20:04:58+08:00
Mga Pangatnig at Transitional DevicesIsang araw nakita mo ang lalaking matagal mo nang hinahangaan, pilit kang nagtago ngunit nakita ka niya at wala kang nagawa kundi ngumiti na lamang, at laking gulat mo naman nang ngumiti din siya sayo bilang ganti. Para kang binuhusan ng malamig na tubig na hindi makagalaw...sobrang saya mo!

Pero teka...

Paano mo ikukwento yan sa matalik mong kaibigan?

Kalimutan muna natin ang iyong nuhay pag-ibig at mag-aral muna tayo!

Alam mo bang sa araw-araw na pananalita at pagsusulat ay gumagamit tayo ng mga pangatnig at transitional devices?

Ang pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan. 



ANG MGA HALIMBAWA NG PANGATNIG AY ANG MGA SUMUSUNOD: 

at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang 




Uri ng Pangatnig
1. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipanHal.Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito.
2. Pamukod – may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipanHal.Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan.
3. Paninsay – kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang unaHal.Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalitnaniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan ng pangungusap.)
4. Panubali – nagsasaad ito ng pag-aalinglanganHal.Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi – nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiranHal.Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot din ang ina.
6. Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayariHal.Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago.
7. Panapos – nagbabadya ng pagwawakasHal.Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
0