Answers

2016-06-23T08:34:50+08:00
  Ang kuwentong-bayan o polklor ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito. Sa madaling salita, ito ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling kwentong bayan.  Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.
0
2016-06-23T08:36:07+08:00

1. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.
Pasalindila -> sa paraan ng pagsasalita o pagkukwento

2. Ito ay nasa anyong tuluyan (dire-diretso o hindi patula) at naglalaman ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula.

3. Ito ay naglalahad ng mahihiwagang bagay o pangyayari katulad ng isang ibong nangingitlog ng ginto, diwata, Diyos o Diyosa, anito, kapre at iba pang elemento, sirena, syokoy, atbp.

4. Ito, higit sa lahat, ay naglalaman ng gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nangyayari sa paligid.

Apat na Uri ng Kwentong Bayan
1. Alamat -> isang uri ng kwentong bayan na tumatalakay kung saan nagmula o ano ang pinanggalingan ng isang bagay o hayop.

2. Mito -> ito ay tungkol sa mga Diyos at Diyosa.

3. Pabula -> ito ay pumapaksa sa mga nagsasalitang hayop na inihahambing sa mga tao dahil sa mga pag-uugali at katangian na taglay ng bawat isa.

4. Parabula -> isang uri ng kwentong bayan na ang mga pangyayari ay buhat sa mga aral o mga kaganapan na matatagpuan sa Bibliya.

1 1 1