Answers

2016-07-04T19:24:46+08:00
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkasng mga ito. Sa makabagong pag-aaral ng wika, ang pang-angkop ay nahahati lamang sa dalawa Mga halimbawa : Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit. Halimbawa: luntian ng halaman >> luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa.
0