Answers

2016-06-23T16:25:48+08:00

SIBUYAS NA SWELDO:

     Mapapaluha ka kapag hinati hati mo na sa gastusin.

PAMPAPAYAT NA SWELDO:

Habang tumatagal, pakonti nang pakonti ang natitirang pangkain mo.

MAGIC SWELDO:

Konting kumpas lang ng kamay at VOILA!! Nawala na lang bigla!

BAGYONG SWELDO:

Di mo alam kung kailan darating at kung gaano ito magtatagal.

KORNY NA SWELDO:

Tinatawanan mo nalang para di ka mabuwisit.

BAOG NA SWELDO:

Kahit anong trabahong gawin mo, wala paring nangyayari.

REGLANG SWELDO:

Isang beses lang dumating sa isang buwan at tumatagal lang ng tatlong araw.


0