Answers

2016-07-05T10:03:48+08:00
Kaugalian Ng Medeteranean Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikang mulasa Mediterranean sa kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga Pilipino.Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhang- sining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging batayan ng iba’tibang uring panitikan sa buong mundo.Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba'tibang mga bagay. Pangunahin sa mga ito ang mga kagamitang naimbento ng mga Sumreian nalubusang nagpagaan sa mga Gawain ng tao noon at ngayon.Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong daigdig ay nalinang din sa Sumer. Ito ay tinatawag na Cuneiform. Sa pamamagitan ng isang stylus nagawa sa tambo, ang mga tao ay nakapagsusulat sa mga basing luwad na lapida.Sa aspetong arkitektural, ang isang ziggurat ay nagsisilbing tahanan ay templong Diyos o Patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat. Pinaniniwalaang ang Tower ofBabel na mababasa sa Bibliya ay isang ziggurat.Maliban sa mga ito, ang iba pang mahahalagang ambag ng mga taga-Mesopotamia ay ang water clock, kalendaryong nakabatay sa siklong buwan at paggawa ng mga unang mapa.Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas.Pinasimulan naman ng mga Hebrew ang pagsamba sa iisang Diyos o monotheism. Samantala, sa pamamayaning Imperyong Persian sa Kanlurang Asya, lumaganap ang relihiyong itinatag ni Zarathustra o Zoroaster ang Zoroastrianism. Ang Mitolohiya ng Taga-Rome Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura. Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at nag- iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon. mula sa Literature – World Masterpieces,
0