Answers

2016-07-04T20:53:26+08:00
ANG TOPOGRAPIYA NG PILIPINASTopograpiya o Kaanyuang panlabas ng lupa, tulad ng mga bundok, burol, lambak, kapatagan, talampas at baybayin.Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok. Ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. Mayroondin itong malalawak na kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga siyentipiko na kung makabagogngparaan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa. Ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas na matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol. Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may pinakamababa.
0