Answers

2016-06-26T08:24:05+08:00
Nung una pa lang kitang makita, 
Ako na sa iyo'y nahalina.
Sa mukha mo na napakaganda, 
Napako ang aking mga mata.

Nais ko na ikaw ay lapitan,
Ngunit ako'y parang kinabahan.
Biglang nangatog itong tuhod,
At puso ko'y biglang napaluhod.

At nang sa aki'y ika'y lumingon, 
Mata mo'y sa akin nakatuon,
Itong puso ko'y biglang bumangon,
Nagpasalamat sa Panginoon.

At nang sa aki'y ika'y ngumiti,
Puso ko'y biglang nakiliti.
Mundo ko'y hindi na nahahati,
Buo na ito para sa'yo parati.
0