Answers

2016-06-26T17:49:52+08:00
2016-06-26T18:06:46+08:00
Simula
*Si adrian ang bunsong anak sa magkakapatid at siya rin ang naiba ng propesyon. Siya ay nag doktor samantalang ang dalawa niyang kapatid ay kapwa abogasya. Lumaki si Adrian ng may pagmamahal sa kanyang mga magulang. Ang kanyang mga kapatid ay nakapag asawa na at naiwan sa kanya ang responsibilidad sa kanyang mga magulang.

Gitna
* Si Adrian ay pumasa sa pagdodoktor. Paglipas ng ilang araw, namatay ang kanyang ina. Naiwan sakanya ang kanyang ama na may matagal nang iniindang sakit. Habang nasa operasyon, tumawag ang kanilang kasambahay na inatake ng sakit ang kanyang ama. Dali dali namang umuwi si adrian. buti at naagapan nia ang kalagayan ng ama. Nang lumaon , nakaramdam na sia ng awa sa kanyang sarili dahil di nia magawa ang mga gusto nia. Inggit na inggit sia sa kapwa nia doktor dahil nakapag asawa na ang mga ito at nakukuha na nila ang gusto nila.

Wakas
* Naisip niang kung mawawala na ang kanyang ama, wala na siang responsibilidad na kelangang gampanan at magagawa na nia ang gusto nia. Naisip niang ligawin ang ama sa gubat. Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan, tinunton na nia ang gubat kung saan nia ito iiwan. Angkas nia ang kanyang ama, nagpapahinga sila sa lilim ng puno dahil sa pagod. Tuloy pa rin ang pa agos ng luha ni adrian. Ganon lang ang mga nangyayare, paulit ulit. Napansin ni Adrian na patuloy rin sa pag putol ng sanga ang ama at nagtanong "Dad bakit sa twing magpapahinga tayo, pumuputol kayo ng sanga?" . "Alam kong nais mo akong ligawin anak, ginagawa ko ito para d ka maligaw pabalik". Lalong lumakas ang agos ng pag iyak ni Adrian. Muli, inangkas nia ang ama at tinunton pabalik. Alam ni Adrian na d na sia maliligaw muli. Hinding hindi na.
0