Answers

2016-06-28T07:58:43+08:00
Yung klima ito yung nagsasabi ng tag-ulan at tag init
yung panahon kung kailan mangyayari.
0
2016-06-28T07:59:12+08:00
Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang pangkalikasan sa labas ng tahanan, gusali o anumang tirahan ng tao, hayop, halaman at iba pang mga nilalang, na ayon sa singaw ng kalawakan o ng atmospera ng daigdig. Tumutukoy ito sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagka-maaraw, pagkamahangin, o pagiging maulan sa isang pook, sa isang takdang oras, na maaaring magbago. Nararamdaman, naririnig, nakikita ng tao ang epekto ng panahon at maging ang pagbabago sa kalagayan nito. Nasusukat din ang panahon sa pamamagitan ng mga termometro, barometro, barograpo, sikrometro o higrometro, panukat ng hangin, anemometro, at mga panukat ng ulan. Depende rin ang taya ng panahon sa pagdating ng kapanahunan ng tag-init, taglamig, taglagas, tagsibol at tag-ulan.


Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon. Depende ang klima sa pagdating ng tag-init,tag-tuyot,tag-lamig o tag-ulan sa pook o rehiyong pinag-uusapan.
1 2 1