Answers

2016-06-28T15:57:28+08:00

Si Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino.

Mula sa isang kritiko :

" Biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang pagpapatawa ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang nagrereplika pa rin ng kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung kaya't ang kanyang mga naunang inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay matuturing na ring totoong Pinoy classics."

Ang anim na aklat na kanyang inilathala ay may mahigit sa isa-ika-apat na milyong kopya sa kasalukuyan.

0