Answers

2016-07-01T13:28:41+08:00

Ang Timog Korea[5], pantungkulin Republika ng Korea[5] (Internasyonal: Republic of Korea, Hangul: 대한민국,Daehan Minguk), ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimogang kalahati ng Tangway ng Korea. Karaniwang tinatawag na Hanguk (bansang Han; 한국) o Namhan (Timog Han; 남한) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan ang mga pangalan ng Korea.

Seoul (서울) ang kapital na lungsod nito. Sa hilaga, matatagpuan ang Hilagang Korea, na nabuo bilang isang bansahanggang noong 1945.

Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang authoritarian, at pagpapalit ng konstitusyon nang limang beses.

Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ay ika-15 na pinakamalaking sa buong mundo (halagang nominal).

0