Answers

2016-06-28T20:20:38+08:00
Kung ako naman ay mamimili ang isang bagay na maari kong ihalintulad sa aking sarili, ang bagay na ito ay ang salamin.Bukod sa lagi kong dala ito sa aking bag at di ako papasok na hindi humaharap sa salamin, may mga katangian ang salamin na bagay ihalintulad sa aking pagkatao. Una sa lahat, alam natin na ang salamin ay nagbibigay ng replekson sa ating mga sarili, tulad ko bilang isang tao, para lang din akong salamin na kung anung mga bagay o pag uugali ang pinapakita ng ibang tao saakin at kung papaano nila ako ituring at itrato, ganun din ang ipapakita ko sa kanila. Ang salamin din ay isang bagay na babasagin, na kapag nabasag, buuin mo man ulit ito ay meron at meron ka paring lamat ng basag na makikita mula rito, gaya lang din yan ng aking pagtitiwala at pagmamahal sa isang bagay o tao na kapag nagkaroon ng lamat ang aming tiwala sa isa’t isa, ito ay mahirap na muling buuin o ayusin, at kung ito man ay mabuo pa, hindi na ito gaya ng dati kong pagtitiwala na buong buo parin.
0
thank you for answering it...
no problem :)