Answers

2016-06-28T20:27:29+08:00

Ang maulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala bilangintertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.

Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa Mundo ay katutubo sa mga maulang gubat.[1] Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap at mikroorganismoang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas na gamot na natuklasan dito.[2] Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan ng potosintesis mula sakarbong dioksido.


0