Answers

2016-06-28T21:26:09+08:00
Ang pang-uri at pang-abay ay mga salitang kapwa naglalarawan o nagbibigay-turing. Gayon man, magkaiba ang bahagi ng pananalitang inilalarawan ng mga ito.Ang pang-uri (adjective) ay naglalarawan sa pangngalan(noun) at panghalip (pronoun) Halimbawa: Siya ay mahusay sa pagpipinta.Ang pang-abay (adverb) ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at pang-abay.Halimbawa: Lubos na maunawain ang kanyang nanay. Si Arnold ay mabilis na tumakbo.
0