Answers

2016-06-29T16:48:39+08:00
Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Mayroong siyam na uri ang pang-abay:

pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam, pananggi, pampanukat, panulad, pamagitan at panang-ayon.

Halimbawa:

1. "Tinulak niya ako ng malakas." (pamaraan)
2. "Higit na matalino si Maria kaysa kay Juana." (panulad)
3. "Tuwing Pebrero nagaganap ang Araw ng mga Puso." (pamanahon)
4. "Naglaro kami kina Junjun." (panlunan)
5. "Hindi ako sumasang-ayon sa iyong pahayag." (pananggi)
0