Answers

2016-07-01T13:34:14+08:00

Tinatawag na TOPOGRAPIYA ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, natututo ang taong makiangkop sa kapaligiran.
Nahahati ang topograpiya sa 2 anyo, ang anyong tubig (3/4 ng mundo) at anyong lupa (1/4).
Ang kaunaunahang kabihasnan sa daigdig ay umusbong malapit sa mga anyong lupa/tubig na ito.
Mahihinuha natin na ang mga ninuno natin ay nakasalalay sa mga likas na yaman at kabutihang naidudulot ng topograpiya.
BUNDOK
Lumalagpas ito sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Pinaagkukunan ito ng mga likas na yaman tulad ng mga prutas at mga makakaing hayop mula sa pangangaso, at pagmimina.
Ang iba ay may malamig na temperatura at ang iba naman ay nasa normal na temperatura lamang. Ilan sa mga pinakamatataas na bundok ng daigdig ay makikita sa Asya.
Talahayan 1.2: Pinakamatataas na Bundok ng Daigdig
Bundok Taas (sa metro) Lokasyon
Everest 8 848 Nepal/Tibet
K-2 8 611 Pakistan
Kangchenjunga 8 586 Nepal/India Lhotse 8 511 Nepal
Makalu 8 463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8 167 Nepal
Manaslu 8 163 Nepal
Nanga Parbat 8 125 Pakistan
Annapurna 8 091 Nepal
Mt. Apo
DAGAT 
Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o nga isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan
Dito kumukuha ng ibang mga likas na yaman katulad ng isda at iba pang lamang dagat na maaaring ma-export sa ibang bansa na nakakatulong sa ekonomiya.
South China Sea
Mga Anyong Lupa
Mga Anyong Tubig
ILOG
Isang mahaba at makipot na anyong tubig na nagmumula sa mga sapa o lawa at umaagos patungo sa dagat. Pinagkukunan ito ng mga isda at iba pang yamang tubig. Maraming sibilisasyon ang nagmula/itinayo malapit sa ilog.
West Philippine Sea
Ilog Nile = Ang pangunahing ilog sa kontinenteng Aprika. Tinatayang ito ang pinakamahabang ilog sa Daigdig
Mt. Everest
K2
Ilog Yangtze = ang pinakamahabang ilog sa Asya, at ang ikatlong pinakamahaba sa buong mundo. 
Cagayan River
Pulo
Ang kapuluan o arkipelago (pangkat) ay anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid dito, kaya isa sa kinabubuhay nila ay pangingisda.
Halimbawa nito ay ang Indonesia at Pilipinas
KARAGATAN
Ito ang pangunahing bahagi at pinakamalaking ng anyo ng tubig, Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig ang natatakpan ng karagatan.
Karagatan Lawak (km2) Average na lalim (feet) Pinakamalalim na bahagi
Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench 
Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 
Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench
Southern Ocean 20,327,000 13,100 South Sandwich Trench, 
Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 

Karagatan ng Daigdig
Pacific Ocean
Atlantic
DISYERTO
Ito ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at hindi karaniwang tinataniman, wala itong permanenteng mga bahagi ng tubig at napakakonting pagulan lang ang nagaganap
- Galing sa salitang Latin na ‘desertum’ na ang ibig sabihin ay “abandoned place”
- Sumasakop ng 1/3 ng lupain sa buong mundo

Sahara Desert, ang pinakamalaki at pinakamainit
Gobi Desert, pinakamalaki sa Asya
Bulkan
Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging dormant o aktibo. Kadalasang matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o nagdikitan.
Delikado ang isang aktibong bulkan, at katulad ng ilang pangyayari sa kasaysayan, maraming sibilisasyon ang nasira nito.
Krakatoa
Peelee
Mula sa pangangaso ng mga hayop at pamimitas ng mga prutas natuto ang mga tao na magtanim. Dito rin nanirahan ang mga tao. Sa kalaunan, natuto rin silang magmina at magtroso.
ANYONG LUPA
ANYONG TUBIG
Karamihan sa mga Sibilisasyon ay nabuo sa tabing ilog, tulod ng Mesopotamia, na pwedeng gamitin sa agrikultura dahil sa silt na nanggaling sa Tigris at Euphrates. Pinagkukuhanan rin ito ng mga yamang tubig (isda, alimasag, pusit, perlas, korales). Ginamit din ang Cyprus River sa pagpapadala ng troso.
Mayon Volcano
(Di nabanggit: Lambak, Burol, Kapatagan, Kontinente, Talampas Tangway)
(Di nabanggit: lawa, bukal, sapa, talon)

MGA IMPLIKASYON SA PAMUMUHAY NG TAO
BULUBUNDUKIN
Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Karaniwan dito nangagaling ang pinakamatataas na bundok.
Himalayas: nangangahulugang "tahanan ng niyebe", ay isang bulubundukin sa Asya, na hinihiwalay ang subkontinenteng Indiyano mula sa Talampas ng Tibet.
Binubuo ang Bulubundukin ng Caucasus nang dalawang sisteman ng mga bundok: ang bulubundukin ng Malaking Caucasus at ang bulubundukin ng Maliit na Caucasus.
Sierra Madre
1 5 1