Answers

2016-06-30T17:48:31+08:00
Ayon kay Philip Kotler may apat na bagay na nakaka-impluwensiya sa pagpili ng ating mga pangangailangan at kagustuhan na nakabatay sakanya. Ang una ay kultura na paraan ng pamumuhay ng bawat isa sa atin. Ito ay nakakaimpluwensiya dahil halimbawa may isang pamilya na ang relihiyon nila ay Islam. Ang mga taong muslim, may mga bawal na pagkain silang kainin tulad ng mga pork. Kaya pag sila ay bibili ng kanilang pagkain, hindi sila bibili ng mga pagkaing ito dahil bawal ito sakanila. Kaya nakakaimpluwensya din ang kanilang relihiyon sa pagpili ng mga dapat o hindi dapat na bilhin nila pagdating sa pagkain. Ang pangalawa naman na nakakaimpluwensiya ay ang panlipunang aspekto. Ang tao sa ating paligid ay isang halimbawa. Ito ay dahil isa sa nakakaimpluwensiya ng malaki sa atin ay ang mga kaibigan natin. Ito ay dahil karamihan ay kung ano ang ginagawa ng kaibigan natin yun din ang ating ginagawa. Isa pa ay, kung minsan, kung ano ang meron ang isa, mabilis na nagkakaroon din ng gusto ang isa na magkaroon din kung ano meron ang isa. Ang pangatlo naman ay ang personal. Halimbawa, sa edad ng tao, may mga bagay din na pagkaiba-iba. Kung ikaw ay bata pa lamang, malamang mas pipiliin mo ang mga bagay na babagay sa edad mo. Kung ikaw ay bata pa lamang, mga nasa edad isang taon hanggang tatlong taong gulang, mas gusto mo uminom ng gatas na nasa bote kaysa sa kape na mamahalin. Sa kasuotan naman, ang mga batang nasa ganung edad, syempre mas pipiliin nila ang mga damit na babagay sila hindi sila magsusuot ng mga damit na magmumukha silang matanda. Ang pang-apat o panghuli naman ay ang sikolohiya. Dito pumapasok ang mga pangarap natin sa buhay. Sa akin, bilang isang estudyante, ang pangarap  ko sa buhay ay maging matagumpay sa lahat. Ang pangarap ay ko ay matapos ako ang aking pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Nakakaimpluwensiya ito dahil matuto tayong lahat kung ano ang mas dapat nating unahin. Alam natin kung ano ang mas kailangan iprayoridad.
0