Answers

2016-06-30T17:56:32+08:00
Ang Alamat ng Bulaklak
Noong unang panahon, may isang batang babae na mahilig maglaro. Ang kaniyang pangalan ay Lala. Halos buong araw siya nasa labas naglalaro. Pumapasok lang siya sa bahay kapag kakain, maliligo at matutulog. Minsan ayaw niya maligo dahil tinatamad kaya nagpapalit lang siya ng damit at naglalaro ulit. May mga araw din naman na hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya maglaro dahil hindi na siya nakakatutok sa pag-aaral niya pero hindi siya nakinig, tumakas siya at nakipaglaro sa mga kaibigan niya. Bumaba ng bumaba and kanayang mga grade. Lagi na rin siya inaasar ng kaniyang mga kaklase sa sobrang itim niya. Pero wala siyang paki kasi sabi niya masaya naman daw siya sa ginagawa niya. Isang araw, pinatawag ng punong guro ang kaniyang mga magulang dahil sa sobrang pagbaba ng mga grade niya. Pinagsabihan siya at pinagbawalan na siya maglaro sa labas habang hindi tumataas ang kanyang mga grade. Pero hindi niya ito pinakinggan. Habang nasa trabaho ang kanyang mga magulang, tinatakasan niya ang kanyang yaya. Habang naglalaro sila ay may nakatingin sa kanila na babae at sinabihan ito na umuwi na pero ang sabi niya ayaw ko. Nagkaroon ng usok sa kanyang paligid at sa isang iglap ay naging bulaklak siya... Simula ngayon ay hindi niya na kailangan lumabas. Hindi niya na rin kailangan maligo dahil ang mga tao na mismo ang magpapaligo sakanya araw-araw. Natuto na rin ang kanyang mga kaibigan kaya naglalaro na lang sila kapag walang pasok o kaya pinayagan sila ng kanilang magulang. MORAL LESSON: 

Makinig sa ating mga magulang, dahil mas alam nila kung ano ang ikabubuti natin.
0
2016-06-30T18:17:56+08:00
Don t know :) hehehe sorry 


0