Answers

2016-07-01T13:25:06+08:00

Ang Lawa ng Baikal (Ruso: о́зеро Байка́л, tr. Ozero Baykal, IPA [ˈozʲɪrə bɐjˈkal]; Buryat: Байгал нуур, Mongolian: Байгал нуур, Baygal nuur, nangangahulugang "lawa ng kalikasan";[1]) ay isang lawa na matatagpuan sa timog ng Rusya sa rehiyon ng Siberia, sa pagitan ng Irkutsk Oblast sa hilagang-kanluran at Republika ng Buryat sa timog-silangan.

Ito ang lawang tabang sa daigdig na may pinakamaraming bolyum, na naglalaman ng halos 20% ng mga di-nagyeyelong tubig tabang,[2][3] at nasa lalim na 1,637 metro (5,371 talampakan),[4] ang pinakamalalim.[5] Isa rin ito sa mga pinakamalinaw[6] sa lahat ng mga lawa, at inakalang ang pinakamatandang lawa sa daigdig[7] sa 25 milyong taon.[8] Ito ang ikapitong pinakamalaking lawa sa mundo ayon sa sukat ng kalatagan nito.

0