Answers

2016-07-01T18:55:56+08:00
Ayon sa pagkakalaam ko, ang crust ng mundo ay may tinatawag na plate. Ang plate na ito ay unti-unting gumagalaw na umaabot sa 5 sentimetro o 2 pulgada kada taon. At ang epekto nito ay ang paglindol, at pagsabog ng bulkan. Dahil rin sa pagyanig o paglindol, doon nabubuo ang mga tinatawag nating mga bundok particularly ang bundok Himalayas. 

Isa pang paraan ng pagkakaroon ng mga bundok o ilog o kahit anong anyong tubig ay ang pagsabog ng bulkan. Alam naman nating lahat na ang isang aktibong bulkan ay nagbubuga ng tinatawag nating lava. Ang mga tipak na bato at lava na umaagos mula sa bulkan ay ang simula ng pagkakaroon ng mga bundok. Tumitigas ito at kapag patuloy na nangyayari ang ganitong klaseng pangyayari, nabubuo ang mga tinatawag nating mga BUNDOK o TALAMPAS.

Kapag dumating ang mga bagyo o ang tag-ulan, bumabaha ang mga may mabababang lugar at ganun rin nabubuo ang mga lawa o ilog.
0