Answers

2016-07-02T09:00:12+08:00
Si Cris “Kesz” Valdez ang tinanghal na International Children's Peace Price Awardee ng taong 2012. Sa gulang na labintatlo, nakalikom ang kanyang “Championing Community Children” ng pondo sa pamamagitan ng pagtitinda ng kandila upang magbigay ng “Hope Gifts” (mga tsinelas, laruan, kendi, damit at pangunahing pangangailangan) sa mga batang nangangailangan sa Lunsod ng Cavite. Natulungan niya ang may sampung libong kabataan na biktima ng pang-aabuso, karahasan at paggawa ang karamihan. Tinutustusan niya rin ang kalusugan at kalinisan, maging ang karapatan ng mga kabataan.

Reference: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Cris_Valdez
0