Answers

2016-07-02T10:26:17+08:00
*Pag may isinuksok may madudukot
*Ang hindi marunong lumingon sa pinang-galingan ay di makakapunta sa paroroonan
*Aanhin pa ang kabayo kung patay na ang damo
*Pag may tiyaga may nilaga.... ^_^ 

0
2016-07-02T10:30:00+08:00
Ang mga salawikaing Pilipino [4][5] ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain(bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino.[5] Isang tanyag na katutubong salawikaing Pilipino ang mga katagang: Ang taong hindi marunong umalala o lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa itong salawikaing Tagalog na naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang pagpapahalagang Pilipinong tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay ng angkop na pahalaga at pagtingin sa mga taong nakatulong sa isang tao para magtagumpay sa buhay o adhikain.[5] Pinagpangkat-pangkat ni Damiana L. Eugenio, isang propersor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, may-akda ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinagurian ding "Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas"[6] ang mga salawikaing Pilipino sa anim na mga kaurian o kategorya ayon sa mga paksa: ang mga salawikaing etikal (yung mga nagsasaad ng isang pangkalahatang gawi hinggil sa buhay at sa mga batas na nangangasiwa sa mismong pamumuhay), ang mga salawikaing nagmumungkahi ng mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo, ang mga salawikaing nagpapadama ng isang sistema ng mga pagpapahalaga, ang mga salawikaing naglalahad ng mga pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, ang mga salawikaing nakakatawa, at ang iba pang mga salawikain. Adamson University Journal.
0