Answers

2016-07-02T21:28:02+08:00
ANG SOSYALISMO Isang Mabilis na Sangguniang Patnubay

“Ang Kapitalismo sa bagong milenaryo ay nananatiling isang sistema ng pagsasayang, kadahupan at nakapangingilabot na kawalang seguridad. Nasasaiyong sarili na rin, upang saliksikin ang tungkol sa isang kilusan na naninindigan para sa mapamimilian.”

Ang kapitalismo ang siyang sistemang panlipunan na ngayon ay nananatili sa lahat ng bansa ng daigdig

Sa ilalim ng sistemang ito, ang pamamaraan ng produksiyon at distribusyon. (lupa, pagawaan, opisina, bi yahe, media, atbp.) ay sinasarili ng isang menorya o kakaunti, ito ang uring kapitalista. Lahat ng yaman ay tayo ang lumikha, ang mas nakararaming uri ng manggagawa, tayo na ipinagbibili ang ating mga sariling lakas ng pag-iisip at pangangatawan, doon sa mga kapitalista kapalit ang kabayaran, suweldo, o sahod.

Ang layon ng paglikha ng yaman ay nagbunga ng mga kagalingan at serbisyo na puwedeng ibenta sa pamilihan para sa pakinabang. Hindi lamang ibinubuhay ng mga kapitalista ang mga kitang kanilang nakamtan mula sa paggamit sa uring manggagawa, bagkus, bilang isang uri, sila ay nagpapatuloy sa pagtit ipon ng yaman na piniga mula sa bawat henerasyon ng mga manggagawa.

Habang ang Kapitalismo ay nananatili, ang tubo o ganansya ay mas laging una kaysa pangangailangan

Ang ilang reporma ay tinanggap ng ilang manggagawa, subalit walang reporma na kayang buwagin ang pangunahing tunggalian sa pagitan ng pakinabang at pangangailangan na nakalatag sa kasalukuyang sistema. Kahit pa kung ang mga pangako na ang kapitalismo ay itaguyod ang kapakanan ng mga trabahador o manggagawa ay buong katapatang ginawa, o kaya ay galing sa mga oportunistang pulitiko, ang mga pangak ong ito ay mabibigo, sapagkat ang ganitong pangako ay parang nagmungkahi na pamahalaan ang isang matadero o katayan para sa kapakanan ng kakataying baka.

Ang kapitalismo sa kanyang walang humpay na kampanya upang paglingkuran ang pakinabang kaysa pangangailangan, ay nagtatapon ng walang katapusang agos ng mga problema.

Halos lahat ng trabahador sa bansang ito ay nakakaramdam ng walang kaseguruhan ng kanilang hinaharap. Katulad ng pagsukat ng Bureau of Census, sa isang bahayan ng isa sa walong bahay sa Estados Unidos ay nabubuhay sa ibaba ng linya ng kahirapan sa opisyal na pagtaya ng gobyerno. Ang mga matatanda nang tao ay naiiwang umaasa na lamang sa mga kalinga ng kabayaran ng Social Security na sa kabuuan naman ay hindi nakasasapat para tugunan ang lumalaking pangangailangan at sila ay napaparusahan kapag naghanap sila ng ibang paraan para mat ugunan ang mga ito.Milyun-milyun ang ating mga kapuwa lalake at babae ang namamatay sa matinding gutom – laksa- laksa ang namamatay sa kanila araw-a raw. Paulit-ulit ang mga nangongontrata o ang kontratista ay “nagtatayo ng s obra” para sa publikong nagbabayad, pagkatapos tayo ay pakikitaan ng isang panoorin ng mga walang tahanang mamamayan, o mga taong namumuhay sa “slums” samantalang maraming mga pabahay at mga “apartments” ay wal ang laman o walang naninirahan dahil sa kawalan ng “epektibong pangangailangan.”

Ang mga pagkain ay nasisira, at ang mga magsasaka ay pinopondahan para huwag nang lumikha ng produkto; subalit milyun-milyung katao ang hindi malusog ang pangangatawan. Ang mga ospital ay nagkakaroon ng nakasisilaw na parada ng mga makabagong teknolohiya para sa pangangalagang medikal o pagkalinga, subalit marami ang hindi makabayad para sa kanilang kalusugan o seguridad sa panahon ng aksidente o kapahamakan sapagkat ang bayarin sa pagpapa-ospital ay pumapailanlang sa kamahalan. Nananatiling hindi “kapakipakinabang”ang pagbibigay ng isang disenteng gamutang pangkalusugan para sa lahat. Ang isang lipunang nakabase sa produksiyon para sa paggamit ay siyang tatapos sa mga problemang nabanggit sapagkat ang prayoridad o pinagpapauna ng lipunang sosyalista ay ang posibleng pagtugon sa mga pangangilangan. Sa isang lipunang sosyalista, lahat ay mabuti, sapat para sa pangangailangan ng isang nilalang.


0