Answers

2016-07-03T09:47:42+08:00

Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabog na mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.



4 4 4