Answers

2016-07-03T15:07:19+08:00
Ang prinsipyo ng solidarity ay nagbibigay diin sa kabutihang panlahat, tungkulin, kooperasyon, at pagkakapantay-pantay. Ito ang mag-aakay sa estado upang itaguyod ang kabutihang panlahat kahit na kung minsan ay maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilang indibidwal. Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagbibigay diin sa katauhan ng isang indibidwal, karapatan, privacy, at kalayaan. Ito ang mag-aakay sa estado na igalang at pangalagaan ang mga likas na karapatan ng bawat indibidwal at ng pamilya na naaayon sa kabutihang panlahat. Dagdag pa niya, mahalagang panatilihin ang balanse ng dalawang ito upang higit na mabigyang pansin ang pagkakamit ng kabutihang panlahat at pagkilala sa dignidad ng tao.
0